Teenager timbog sa pananaksak ng ginang sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2019 04:20 PM | Updated as of Aug 26 2019 07:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto noong Linggo ang isang 16 anyos na lalaki na umano ay nanaksak sa babaeng tinangka niyang pagnakawan sa bayan ng Pila, Laguna.

Dinampot ng mga pulis sa follow-up operation sa Lipa City, Batangas ang suspek na si alyas "Paul."

Dawit umano si "Paul" sa pananaksak sa 30 anyos na si Rowena Magsino nang tangkain niyang nakawan ang bahay nito sa Barangay Masico sa Pila noong madaling araw ng Biyernes.

Nagtamo ng 5 saksak sa dibdib at mga kamay si Magsino.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na nakipag-inuman si "Paul" kasama ang mga kabarkada bago isagawa ang tangkang pagnanakaw.

Hindi na narekober ang kutsilyong ginamit sa krimen dahil naitapon na ito.

Tuwing nasasangkot sa gulo ang suspek ay nagpapalipat-lipat siya ng tirahan sa Pila at Lipa, ani Capt. Jean Alagos, hepe ng Pila police.

Kasong frustrated murder ang isasampa laban kay "Paul" pero dahil menor de edad, ibibigay muna siya sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development. -- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.