Lalaking nagtago ng marijuana sa pocket book, timbog sa Iloilo

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2019 02:22 AM

ILOILO CITY—Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Calumpang, sa lungsod na ito Huwebes.

Nakuha sa 22 anyos na suspek ang buy-bust money, plastic sheet, marijuana pipe at isang sachet ng marijuana leaves na itinago sa isang pocket book.

Ginupitan ang gitna ng mga pahina ng pocket book kung saan inilagay ang sachet ng marijuana.

Ayon sa pulisya, newly identified street level drug pusher ang suspek. Kadalasan umanong ang mga kabarangay nito ang binebentahan niya ng droga.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa Molo Police Station.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.