Ilang bahay at tindahan sa Davao City, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2019 01:49 AM

 

DAVAO CITY—Nasunog ang nasa 70 bahay at tindahan sa Barangay Sto. Niño, Tugbok District sa lungsod na ito Huwebes ng tanghali.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis na kumalat ang apoy dahil magkakadikit ang mga bahay at tindahan. Inabot ng isang oras bago makontrol ang mga bombero ang apoy.

Lumalabas sa imbestigasyon na short circuit ang sanhi ng sunog dahil sa ilegal na koneksiyon ng kuryente.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.