TINGNAN: Ipu-ipo namataan sa Leyte

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2020 05:52 AM

Namataan ang isang ipu-ipo sa bahagi ng Biliran at ng Calubian, Leyte Huwebes ng hapon.

Sa video na Kuha ni Kristian Carcasona, makikita ang makapal na ulap kasabay ng ipu-ipo na nasa dagat.

Kuha ni Kristian Carcasona

Nagtagal ito ng limang minuto bago nawala.

Wala namang nasaktan o nasirang istraktura ang ipu-ipo.

Ayon sa PAGASA, isa ang ipo-ipo sa mga hazard ng thunderstorms. Nabubuo ang ipo-ipo kung may napakalakas na thunderstorm sa isang lugar na may malapit na lawa o dagat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.