'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs hatid sa 1,500 pamilya sa Baliuag

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2020 08:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Prayoridad ng Barangay Santa Barbara sa Baliaug, Bulacan na maabot ng ayuda ang mga mahihirap na pamilya, lalo na iyong mga senior citizen at person with disability.

"Umaasa lang po sila sa kapamilya nila... karaniwang problema nila ay gutom at pagkain sa araw-araw," anang barangay secretary na si Richie Villaroman.

Tanging ang mister na lang ang kasama ng 76 taong gulang na si Amelia Capili dahil may kaniya-kaniya nang pamilya ang mga anak.

Sa paupahang bahay sana sila kukuha ng panggastos sa araw-araw pero hindi na ito sapat ngayong may pandemya.

"'Yong mga umuupa sa'kin, hindi sila makabayad kasi hindi sila makapasok sa trabaho," ani Capili.

Maging ang pensiyon na natatanggap ng mister ni Capili ay hindi na rin kayang tustusan ang kanilang gamot.

Pero kahit kapos ay nagagawa pa ring tumulong sa iba ni Capili.

Iyong bigas, halimbawa, na binibigay ng barangay ay binibigay na lang umano ni Capili sa mga kapitbahay.

Halos 5 buwang namang walang trabaho ang dating construction worker na si Emilio Barte kaya nagtitinda muna siya ng gulay

"Mahirap isipin ang buhay ng tao na halos 'di ka na nakakakain sa isang araw. 'Yon ang pinakamahirap sa lahat," ani Barte.

Pinuntahan ng Pantawid ng Pag-ibig ang komunidad nina Capili at Barte para bigyan ng relief packs ang 1,500 pamilya ng mga senior citizen at PWD.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.