ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Metro Manila, Agosto 9-13

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 02:43 PM | Updated as of Aug 09 2019 02:58 PM

MAYNILA - Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Kamaynilaan sa weekend.

Isasagawa ang pagkumpuni simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Agosto 9 at magtatagal ito hanggang alas-5 ng madaling araw ng Agosto 13 (Martes).

Narito ang mga apektadong lugar:

SOUTHBOUND:

• EDSA kaharap ng Sojen at Chevrolet (ika-5 lane mula sa bangketa)
• EDSA mula Magallanes hanggang Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes – Alabang Bus Stop (outer lane)
• EDSA Eugenio Lopez hanggang Sct. Borromeo (desilting at pagpapatayo ng manhole)
• Katipunan Ave. mula Raja Matanda hanggang Boni Serrano Tunnel (truck lane)
• Quezon City sa may EDSA Southbound sa pagitan ng West Avenue at Philam Village (restoration/concreting works)

EASTBOUND:

• Quirino Highway sa harap ng Colegio de Sta. Teresa at malapit sa New Heaven Subd. (inner lane)
• Elliptical Rd bago mag-Commonwealth Ave. (7th lane mula sa outer sidewalk)

WESTBOUND:

• General Luis bago mag-Oriental Tin

NORTHBOUND:

• EDSA bago mag-New York St. (1st lane from sidewalk)
• C-5 Road C.P Garcia approach papuntang Kalayaan Ave. Ext.

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na kalye at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.