Pasay Public Market di magpapapasok ng mga walang face shield, mask

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 05:27 PM

MAYNILA — Hindi lang face mask kundi kailangan na ring nakasuot ng face shield ang mga planong mamalengke sa Pasay City Public Market.

Mahigpit ang pagbabantay sa entrada ng palengke para tiyakin na may sapat na protection gears ang mga papasok sa loob. 

Iniinspeksyon din ang kanilang quarantine pass at ID para malaman kung saang barangay sila nakatira dahil may araw lang kung kailan puwede mamalengke ang bawat residente upang makontrol ang mga tao sa loob. 

Ayon sa administrative aide ng city hall na si Alona Ordaniza, noong Marso pa talaga ipinatutupad ang mga naturang panuntunan at itinutuloy lang nila ngayon dahil balik modified enhanced community quarantine ang Metro Manila. 

Mabenta naman ang mga face shield sa entrada ng palengke na nagkakahalaga ng P40. 

Simula kasi Agosto 15, ire-require na rin ng Department of Transportation ang face shield sa mga pampublikong transportasyon.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.