'Pantawid ng Pag-ibig': Deaf-mute community sa Cavite hinatiran ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2020 07:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Hindi madali para sa mga miyembro ng deaf-mute community ng Kawit, Cavite ang patuloy na pag-iral ng community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. 

Ang kanilang pinuno na si Mark Marcial, ilang buwan nang hindi nakakapasok bilang graphic artist dahil sa pandemya. 

Aniya, marami sa kanilang kasamahan ang nawalan ng kabuhayan gaya ng mga construction worker na umaasa lang ngayon sa tulong. 

Marami raw sa kanilang sektor ang nabigla sa pagkawala ng trabaho dahil huli na nilang nalaman ang abiso ng kanilang mga kompanya dahil sa kanilang kapansanan. 

Kuwento pa ni Marcial, lumapit siya sa mga organisasyon at nagpadala ng mga sulat para makahingi ng tulong. 

Ilang organisasyon ang tumugon at nagsilbi munang pansamantalang imbakan ng relief goods ang kanilang tahanan. 

Isa sa mga pinadalhan ng sulat ni Mark ang ABS-CBN Foundation at bilang tugon, nagdala ang "Pantawid ng Pag-ibig ng nasa 7,000 food packs." 

Ipinarating ng bawat pamilya sa deaf-mute community ang kanilang tuwa at pasasalamat sa pamamagitan ng sign language. 

Bukod sa Cavite, nagpadala rin ang "Pantawid ng Pag-ibig" ng relief packs sa Sampaloc, Manila para sa 500 pamilya. 

Nagpasalamat si Dionicio Castro Jr. kagawad ng Barangay 473 sa Sampaloc. 

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.