35 na drug suspek, iniharap ni Isko sa publiko

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2019 12:34 PM

Photo courtesy of Manila Public Information Office

MAYNILA- Iniharap ni Mayor Isko Moreno ang 35 suspek sa paggamit ng iligal na droga sa media nitong Lunes.

Naaresto ang mga suspek ng Manila Police District sa serye ng mga operasyon sa Baseco Compound.

Ayon kay Moreno, hindi nanlaban sa mga pulis ang mga suspek at pinaalalahanan ang mga awtoridad na respetuhin ang karapatang pantao ng mga suspek.

Inirekumenda naman ng alkalde na sibakin ang mga opisyal ng barangay sa Baseco dahil posible umanong dawit sila sa iligal na droga.

Una nang iniutos ni Moreno sa MPD katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency na linisin ang Baseco Compound ng mga iligal na droga at mga armas.

-ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.