Apela ng ex-Duterte appointee na may ina, kapatid, at asawang health worker: 'Please unite with us'

Josiah Antonio, ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2020 06:51 PM

Nagsisilbi bilang healthcare workers ang ina, kapatid at asawa ni Terry Ridon sa bansa. Ang kanyang inang anesthesiologist na si Eleanor Ridon (kaliwa) sa iba't ibang private hospital, kapatid na si JP Ridon (gitna), clinician sa isang private clinic sa Maynila at asawa na si Kitchie Ridon (kanan), isang plastic surgeon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Mga larawan mula kay Terry Ridon

MAYNILA — Umalma ang dating Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chair Terry Ridon nitong Lunes sa mga komento ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa mga health worker na kamakailan ay humingi ng tulong sa gobyerno para mas maayos na malabanan ang pandemya.

Ani Ridon, na may asawa, ina, at kapatid na mga health worker, ang kailangan ay makiisa ang pangulo sa medical community at hindi magbanta.

"Health workers are serving the nation yet risking their lives for a pandemic no one wanted. The least you could do is stop making threats, unite with the medical community and implement a plan of action incorporating their insights," sabi ni Ridon sa kaniyang Facebook post.

"The nation’s fate in this pandemic rests on our frontliners, inasmuch as it rests on you," dagdag nito.

Ito ay matapos na sabihin ni Duterte sa isang public address nitong Linggo na dapat mag "soul searching" ang mga health worker imbes na "magrebolusyon". Ayon kay Duterte, sumulat na lang sana sa kaniyang tanggapan ang mga nagrereklamong manggagawa kaysa maglabas ng hinaing sa publiko.

"''Yung mga health workers na hindi connected sa gobyerno, we will try to help. But there is no need for you and for the guys, 1,000 of you, telling us what to do publicly. You could have just wrote us a letter. Lahat naman ng sinasabi ninyo, sinusunod namin... Next time, you can ask for an audience. Pero 'wag ho kayong magsigaw sigaw, rebolusyon, rebolusyon," sabi ni Duterte.

"We are not competent here because we are not doctors. Kayo ang dapat ang mag-ano. You should do the soul-searching, not us. Kayong makatulong sana at wala kayong ginagawa kung magreklamo, what can I do?" dagdag nito.

Para naman kay Ridon, walang sinuman ang dapat na maliitin ang kontribusyon ng mga health worker.

"The doctors in my family are the world to me. They supported my public life, my politics, at great risk to their careers...no one, not even the President, has the right to demean their profession and their service to the nation," dagdag ni Ridon sa ABS-CBN News.

Sakripisyo ng pamilya

Kwento ni Ridon, marami na ring sakripisyo sa gitna ng pandemya ang kanyang 68 anyos na ina na si Eleanor Ridon, isang anesthesiologist sa iba't ibang private hospital. Ang kaniyang kapatid naman na si JP Ridon, isang clinician sa isang private clinic sa Maynila.

"My mom has her usual rounds and operations, but being at an advanced age, she is prone to moderate to severe COVID. But she has always been strong-willed, as most doctors are, so the risk doesn't concern her one bit," ani Ridon.

Binahagi rin ni Ridon na marami silang kinaharap na pagsubok ng kanyang asawang si Kitchie Ridon, isang plastic surgeon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, sa gitna ng pandemya.

Kwento niya, sumasabak ang kanyang asawa sa hospital duty sa 7 sunod-sunod na araw at pahinga ng isang linggo at tanggap nila ito sa kanilang pamilya bilang serbisyo sa bayan.

"She is on hospital duty tonight and many more nights because she answers the call to serve the nation. This is something she does not need to do, something she can walk away from without consequence to herself and the family," kwento ni Ridon.

"Yet she is there, and all she and many others are asking is for government to listen to health workers that the situation in our facilities has reached a fever pitch, and continuing the same path of opening up will not lead to positive health outcomes," dagdag pa niya.

Ayon kay Ridon, alam nila kung ano ang pinasok ng kanyang asawa at hiling niya sa pangulo na itigil na ang mga banta sa mga healthcare workers at makinig sa kanilang panawagan.

"The least that the President can do is stop making threats. It helps no one. It resolves nothing," ani Ridon.

Sinabi rin ni Ridon na ito dapat ang panahon para pagkaisahin ni Duterte ang bansa para matugunan ang krisis sa pandemya.

"This is the time for unity, not for threats. This is the time to work together, to sit down together and listen," aniya.

Kinikilala man ni Duterte ang hinaing ng mga healthcare workers, inabisuhan niya ang mga ito na habaan ang kanilang pasensiya sapagkat ginagawa na aniya ng pamahalaan ang lahat para malutas ang problema.

Hiling ng mga healthcare workers na magkaroon ng mas mainam na plano para pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease.