Modified quarantine pinalawig sa Negros Occidental hanggang Agosto 15

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2020 12:44 AM

Inanunsiyo ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson na palalawigin hanggang Agosto 15 ang umiiral na modified community quarantine sa lalawigan.

Sa isang executive order na inilabas nitong Huwebes, sinabi ni Lacson na sa kabila ng pagiging isa sa mga low-risk areas ng Negros Occidental, minabuti niyang palawigin ang MGCQ sa lalawigan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Mayroon nang 417 na kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa Biyernes pa ng umaga nakatakdang i-anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong klasipikasyon ng community quarantine sa ibang lugar sa Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.