Preso patay sa pananaksak sa loob ng Mandaue jail

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 02:49 PM

Napatay ngayong Lunes ang isang preso matapos umanong saksakin sa loob ng Mandaue City Jail, ayon sa lokal na Bureau of Jail Management and Penology.

Kinilala ang nasawi bilang si Romy Ramas na umano ay bagong lider ng Steve Go drug group.

Hindi naman kumbinsido ang mga residente sa paligid ng bilangguan na sinaksak si Ramas dahil nakarinig daw sila ng mga nagputok ng baril.

Iniimbestigahan pa ang pangyayari.

-- Ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.