Totoy, 11 anyos, natagpuan matapos malunod sa Pasig River

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2018 07:49 PM | Updated as of Jul 29 2018 10:32 PM

Natagpuang patay ang isang batang lalaki matapos nitong malunod sa Pasig River, naiulat nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima bilang si Nathaniel Tolentino, 11 taon gulang.

Kuwento ng mga rescuer, unang nakatanggap ng ulat na may dalawang batang tumalon sa Pasig River para lumangoy ng alas-4:30 ng hapon kahapon.

Pinaghahanap pa rin ang kasama ni Tolentino na pinaniniwalaang nalunod rin.

Mahigpit na pinagbabawal ang maligo sa Pasig River pero aminado ang mga rescuer na may iilang pasaway pa rin na nakakalusot.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.