Mayor Isko nag-surprise inspection sa mga tindahan sa U-belt sa gitna ng liquor ban

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 06:29 PM | Updated as of Jul 27 2019 04:19 AM

MANILA - Nagsagawa si Manila Mayor Isko Moreno ng surprise inspection sa mga tindahan sa paligid ng university belt sa Mendiola, Biyernes, upang tiyakin kung sumusunod ba ang mga negosyante sa liquor ban na ipinatutupad malapit sa mga paaralan.

 

Sa ilalim ng Ordinance No. 3532 na pinirmahan ni Moreno noong Huwebes, bawal magtinda ng kahit anong nakalalasing na inumin sa loob ng 200-meter radius ng bawat paaralan sa Maynila.

"Puwede pa rin kayong magtinda ng chicha. Puro inka (kain) na lang, wala nang yangga (ganyan)," aniya.

"Tapos na ang maliligayang araw ng cutting classes," pabirong sabi ni Moreno.

—May ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News