2 pulis patay nang tambangan sa Palawan

Arlie Cabrestante, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2018 04:59 PM

Nakakumpol ang ilang sibilyan sa pinangyarihan ng banggaan ng isang tricycle at bus. Larawan mula kay Larra Mae Baclayo

TAYTAY, Palawan - Patay ang dalawang pulis matapos tambangan ng mga armadong indibidwal sa Sitio Nagtakayan sa Barangay Bato, Linggo ng umaga.

Binaril umano ang sasakyan nina PO3 Alexander Mimbalawag at PO1 Julpetri Gustaham bandang alas-11 ng umaga habang sila ay pabalik sa estasyon matapos rumesponde sa isang aksidente. 

Agad rumesponde sa pamamaril ang pulisya, at ang mga tauhan ng Philippine Marines at ng 401st Regional Mobile Force Company, na ngayon ay nagsasagawa ng hot pursuit operations. 

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang sa dalawang pulis. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.