Grupo may 'patikim' na protesta sa bisperas ng SONA

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 02:55 PM

MAYNILA — Nagsagawa ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ng kilos protesta nitong Linggo sa Mendiola, na anila'y patikim sa mga rally na aasahan sa Lunes, araw ng State of the Nation Address (SONA).

Bitbit ng mga nagpoprotesta ang mga placard na may malalaking drawing ng mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte, US President Donald Trump, at Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa grupo, tila "tuta" nina Trump at Xi si Duterte. 

Sa Lunes, nakatakdang ihayag ni Duterte ang kasalukuyang estado ng bayan sa kaniyang ikaapat na SONA. 

Isinisigaw rin nila ang panawagan na gawing regular ang lahat ng mga manggagawa at pagsuporta sa mga magsasaka. 

Kontra rin sila sa jeepney phase-out at sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

Sa Lunes, may temang siyokoy ang kilos-protesta ng mga militanteng grupo upang ilarawan daw ang "pangit" na kalagayan ng bansa sa ilalim ni Duterte. 

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.