P1.5-M halaga ng marijuana nakuha sa misdeclared parcel sa Pasay

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 08:55 PM

MAYNILA - Nasa P1.5-milyong halaga ng kush o high-grade marijuana ang nakuha ng Customs NAIA mula sa isang parcel sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City nitong Huwebes.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), natuklasan ang kush sa isang misdeclared parcel na diumano ay naglalaman ng streetwear at consigned sa indibidwal mula sa Pangasinan at sa California, USA.

Sa pagsuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpirmang kush ang laman ng pakete.

Itinurn-over na ito sa PDEA para sa imbestigasyon sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act in relation to Customs Modernization and Tariff Act.

Pinaigting naman ng Port of NAIA ang risk cargo targeting, K9 dog sweeping, at X-ray examination upang masugpo ang ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.