Negosyante, tinambangan ng riding-in-tandem sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2018 08:51 PM | Updated as of Jul 03 2019 04:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sugatan ang isang negosyante matapos pagbabarilin nitong umaga ng Lunes ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila. 

Tinambangan ng mga nakamotorsiklong salarin ang 60 anyos na biktimang si Miguel Juan Tan habang dumadaan ito sa Road 10 sa may Smokey Mountain, Tondo papuntang Binondo, ayon sa Manila police.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib, dahilan para isugod siya sa ospital.

Tinangay ng mga salarin ang paper bag na dala ni Tan na pinglagyan niya ng perang idineposito sa bangko sa Malabon bago ang insidente.

Aabot sa P100,000 ang naging laman ng paper bag ni Tan na kita mula sa negosyong frozen fish.

Ayon kay Superintendent Jay Dimaandal ng Tondo police, walang nakuhang pera ang mga salarin dahil naideposito na ng biktima ang dalang pera.

"Naka-online banking sila kaya monitor po nila na ang ipinade-deposit na pera is naideposito kaya sabi nila, wala nang dalang pera (nang tambangan)," ani Dimaandal.

Patuloy ang pagtugis ng Manila police sa mga salarin.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.