Pulis, patay sa pananambang sa Cebu

Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 09:20 AM

TABUELAN, Cebu - Patay ang isang pulis matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek, Huwebes ng umaga sa bayang ito.

Dead on the spot si PO1 Avita Sarzuela na nakatalaga sa headquarters ng Cebu Provincial Police Office. 

Ayon sa pulisya, nakasakay si Sarzuela sa kaniyang kotse nang barilin ng suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananambang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.