$15,700 halaga ng 'smuggled' na salapi nasabat sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2020 03:16 PM | Updated as of Jul 11 2020 05:36 PM

MAYNILA - Nasabat ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport ang aabot sa $15,700 o katumbas ng P776,000 halaga ng umano'y smuggled na salapi mula sa Estados Unidos noong Biyernes. 

Sa impormasyon mula sa Bureau of Customs, nadiskubre ang mga dolyar nang isailalim sa x-ray scan at physical examination ang delivery items 

Nanggaling ang mga delivery sa siyudad ng Durham sa North Carolina, USA at nakatakdang ibagsak sa warehouse ng isang international courier sa Pasay City. 

Hinala ng Customs, posibleng magamit sa masasamang aktibidad ang mga perang ipinuslit sa bansa. 

Nangako ang tanggapan ng matinding pagbabantay para hindi makapasok sa bansa ang mga ipinagbabawal na produkto o resources.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.