Pabrika ng kemikal sa Batangas nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2020 09:18 PM | Updated as of Jul 05 2020 08:18 PM

Sunog sa Balayan Distillery Inc., sa Calaca, Batangas, nakataas pa rin sa ikalawang alarma, ayon sa Calaca Bureau of Fire Protection. Gawang Calaca MIO

(UPDATE) Nasunog nitong Sabado ang isang pabrika ng kemikal sa bayan ng Calaca, Batangas, dahilan para lumikas ang mga maraming residenteng naninirahan sa mga lugar malapit sa establisimyento.

Nagkaroon ng sunog sa Balayan Distillery Inc. sa Barangay Talisay bandang alas-5 ng hapon matapos tamaan ng kidlat ang isa sa mga ethanol tank, ayon sa impormasyon mula sa Calaca Municipal Information Office.

Inabot ng halos 9 oras bago nagdeklara ng fire out ang mga bombero, sabi ni Calaca Mayor Nas Ona.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagpapagaling naman ngayon sa ospital ang isang empleyado na nakuryente.

Higit P35 milyon na halaga ng mga tangke ang natupok.

Pinalikas din ang mga residenteng nakatira sa tabi ng pabrika.

Kasalukuyang nanunuluyan ang mga residente — na nabigyan na ng tulong ng barangay at mga pribadong donor — sa mga paaralan sa bayan.

-- Ulat nina Dennis Datu, Jekki Pascual, at April Magpantay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.