Ilang bahagi ng CDO binaha

Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2020 11:52 PM | Updated as of Jul 04 2020 12:14 AM

Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO CITY - Binaha nitong Biyernes ang Puerto Highway, Cagayan de Oro City dahil sa matinding pag-ulan.

Sa video at larawan na kuha ni Niel Sardan, makikitang nagdulot ng mabigat na trapiko ang pagbaha.

Nahirapang makadaan ang ilang maliliit na sasakyan dahil umabot sa halos 2 talampakan ang taas ng baha. Ang ibang bahay naman ay pinasok ng tubig.

Bandang alas-4 ng hapon nagsimula ang malakas na ulan na nagtagal nang higit 2 oras.

Ayon sa PAG-ASA, epekto ng intertropical convergence zone o ITCZ ang malakas na pag-ulan sa buong Mindanao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.