Anti-terror bill pirmado na ni Duterte sa kabila ng sari-saring pagbatikos

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2020 06:41 PM | Updated as of Jul 03 2020 10:11 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) - Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes ang kontrobersiyal na Anti-Terror Bill - na layong mabigyan ngipin ang kasalukuyang batas pagdating sa pagpapanagot sa mga sangkot sa terorismo, sa kabila ng panawagang ibasura ito sa pangambang magamit ang panukala laban sa mga kritiko ng administrasyon.

Layon ng Republic Act 11749 o “Anti-Terrorism Act of 2020” na bigyan pa ng ngipin ang 2007 Human Security Act para palakasin ang kampanya kontra terorismo, at ang mga inuugnay na aktibidad dito tulad ng kidnapping at bombing operations ng Abu Sayyaf Group.

Nagpahayag ng oposisyon sa pamamagitan ng #JunkTerrorBill ang iba’t ibang grupo sa panukalang batas dahil sa ilang probisyon na umano’y banta sa karapatang tao.

Una nang nagpahayag ng pangamba ang ilang grupo na inaagaw umano nito ang ehekutibo na kapangyarihan ng mga korte.

Pangamba rin umano ng ilan na maaaring magamit ito laban sa mga kritiko ng administrasyon.

Hunyo 9 nang isumite ng Kongreso sa Palasyo ang panukalang batas at nirepaso ng Department of Justice.

Noong Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isinasailalim na ni Duterte sa "final review" ang batas.

Nagpakita rin ng kanilang dismaya ang ilang senador, kabilang si Sen. Kiko Pangilinan.

Aniya, ipinapakita ng ganitong uri ng batas ang kawalan ng katuwiran at karahasan bilang paraan para maghasik ng takot sa taumbayan.

“I am not surprised. From Day 1 this Administration unleashed draconian and authoritarian measures as a showcase of its brand of leadership… These draconian measures however have been exposed as nothing more than a show of senseless, mindless violence as means to sow fear amongst the people,” ani Pangilinan sa isang pahayag.

Paniwala naman ng grupong Amnesty International na isa itong bagong sandata ng gobyerno para tugisin ang mga pinaniniwalaang kaaway ng estado.

"This administration has effectively crafted a new weapon to brand and hound any perceived enemies of the state. In the prevailing climate of impunity, a law so vague on the definition of 'terrorism' can only worsen attacks against human rights defenders,” ayon sa grupo.

Pero ayon naman sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), hindi pa tapos ang laban.

Hindi sila titigil na gawin lahat ng lehitimong paraan para tutulan ang batas.

“We will not cease to exhaust any and all legitimate steps and platforms to challenge this draconian law. This without doubt is the most unpopular and perilous piece of legislation that could ever be pushed by a government that is fixated with the potion of power. In time, we will look back to this day of infamy and say the unbridled and terrorizing power of the government will always bend and retreat eventually when the people push back hard enough,” anila sa pahayag.

Pero may ilang senador na ikinatuwa ang hakbang.

Para kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nakita ni Duterte ang kahalagahan ng batas.

Tiniyak niyang tadtad ito ng mga pananggalang o safeguards laban sa posibleng pang-aabuso.

“I am glad the President has sifted through the rubble and saw the importance of the law!
"It's full of safeguards but strong against terrorists. Unlike the old law, it was subject to abuse by the terrorists,” ani Sotto.

Pinuri naman ni Sen. Panfilo Lacson ang hakbang ni Duterte at sisiguruhin niyang mababantayan ang pagpapatupad ng batas.

“With all the pressure coming from different directions against the signing of the Anti Terrorism Bill into law, at the end of the day, it is his strong political will that mattered most. I cannot imagine this measure being signed under another administration. If only for this, I take my hat off to the president. Rest assured that I will exert extra effort in guarding against possible abuse in its implementation,” ani Lacson.

Magiging epektibo ang batas 15 araw matapos mailathala sa dalawang diyaryo.

— May ulat nina Arianne Merez at Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.