BPOs posibleng sumaklolo sa mga nawalan ng trabaho sa pandemya

Warren de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2020 08:52 PM | Updated as of Jul 07 2020 01:28 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Maraming naghahanap ng trabaho ngayon matapos mawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP), libo-libong bagong trabaho ang inaasahan nilang maibibigay ng BPO sector bawat taon, at puwedeng umabot sa kalahati nito ang mga bagong trabaho na nakabase sa probinsya.

"If we are looking at growing by between 70,000 to 80,000 jobs every year in just direct employment, if we can hit anywhere between 30 to 50 percent of that happening in the countryside, I think that is a significant take up that will benefit many in these different locations that we have identified," ani Rey Untal, presidente ng IBPAP. 

Inilabas noong Miyerkoles ng IBPAP at ng Department of Information and Communications Technology ang tinatawag nilang "Digital Cities 2025" kung saan kabilang dito ang:

  • Balanga City
  • Batangas City
  • Cabanatuan City
  • Dagupan City
  • General Santos City
  • Iligan City
  • Iriga City
  • Laguna Cluster (San Pablo, Calamba, Los Baños)
  • Laoag City
  • Legazpi City
  • Malolos City
  • Metro Cavite (Bacoor City, Imus, General Trias)
  • Metro Rizal (Taytay, Cainta, Antipolo City)
  • Olongapo City
  • Puerto Princesa City
  • Roxas City
  • San Fernando City, La Union
  • San Fernando City, Pampanga
  • San Jose Del Monte City
  • Tacloban City
  • Tagbilaran City
  • Tarlac City
  • Tuguegarao City
  • Urdaneta City
  • Zamboanga City

Programa itong tutulong sa pag-develop ng imprastraktura, training, at promotion ng 25 lungsod para sila ay maging IT-BPO hub.

"The 25 new locations, alongside the centers of excellence and established next wave cities, shall serve as investment destinations for a thriving digital economy," ani DICT Secretary Gregorio Honasan.

Ayon sa IBPAP at DICT, makakaasa ang maraming Pilipino ng bagong trabaho sa BPO.

Ayon pa sa IBPAP, para makalikha ng mga bagong trabaho, importanteng matulungan ang BPO sector ng gobyerno sa pamamagitan ng Institutional Development, Talent Attraction and Development, Infrastructure Development, at Marketing and Promotion.

Ito rin ang mga pangakong 'intervention' ng DICT sa ilalim ng Digital Cities 2025 program.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.