2 Chinese na dawit sa illegal detention timbog sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2020 11:22 PM

MAYNILA - Dalawang Chinese ang tiklo Huwebes matapos umano kikilan at idetine ang isang babaeng kababayan sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Ayon sa Southern Police District, nagpunta sa Makati City Police ang 2 empleyado ng isang Philippine offshore gaming operator upang i-report ang biktimang ikinulong at pinosasan sa loob ng kaniyang kwarto sa isang gusali sa Barrio Visaya Street. 

Hiningan umano ng mga suspek ang biktima ng 560,000 Yuan, o nasa P3 milyong piso, kapalit ng kanyang kalayaan.

Nirespondehan ito ng pulisya at dito nahuli ang 2 Chinese na suspek.

Nakakulong na sa Makati Police custodial facility ang mga suspek na posibleng maharap sa kasong illegal detention.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.