Modified GCQ sa Metro Manila, Calabarzon isinusulong ng Finance chief

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 02:13 PM | Updated as of Jul 01 2020 08:16 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA — Umapela si Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim na ang Metro Manila at Calabarzon region sa modified general community quarantine (MGCQ) — ang pinakamababang antas ng quarantine — sa lalong madaling panahon.

Sa pulong noong Lunes, sinabi ni Domingo na gusto niyang isailalim sa MGCQ ang 2 rehiyon para matiyak ang pag-recover ng bansa mula sa epekto ng pandemya, lalo at nakabase ang higit 60 porsiyento ng ekonomiya doon.

Sa parehong pulong, inanunsiyo rin ni Pangulong Duterte na hanggang Hulyo 15 ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Hanggang Hulyo 15 din ang GCQ sa Benguet, Cavite, Rizal, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Leyte, Southern Leyte, at Ormoc.

Inilagay din sa GCQ ang Talisay City, Minglanilla, at Consolacion sa Cebu.

Mananatili muna sa enhanced community quarantine nang 2 pang linggo ang Cebu City para mapigilan ang nakakaalarmang pagkalat ng coronavirus disease sa lugar.

Sa talumpati, hindi rin napigilan ni Duterte na muling sisihin ang umano ay katigasan ng ulo ng mga taga-Cebu sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

"You have the highest. Cebu is now the hotspot for COVID. Bakit? Eh wala mo musunod eh. Marami sa inyo hindi sumunod,' anang pangulo.

Samantala inilagay na MGCQ ang mga sumusunod:

  • Abra
  • Baguio City
  • Ifugao
  • Kalinga
  • Ilocos Norte
  • La Union
  • Pangasinan
  • Cagayan
  • Isabela
  • Bataan
  • Bulacan
  • Nueva Ecija
  • Pampanga
  • Angeles City
  • Batangas
  • Laguna
  • Quezon
  • Lucena City
  • Palawan
  • Puerto Princesa City
  • Albay
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Naga City
  • Capiz
  • Iloilo
  • Iloilo City
  • Negros Occidental
  • Bacolod City
  • Ang natitirang bahagi ng Cebu province
  • Bohol
  • Negros Oriental
  • Tacloban City
  • Western Samar
  • Zamboanga City
  • Zamboanga del Sur
  • Bukidnon
  • Misamis Occidental
  • Misamis Oriental
  • Cagayan de Oro
  • Davao del Norte
  • Davao del Sur
  • Davao City
  • Davao de Oro
  • Cotabato
  • South Cotabato
  • Agusan del Norte
  • Butuan City
  • Lanao del Sur 
  • Maguindanao

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa low-risk modified GCQ.

Inutusan naman ni Pangulong Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade na ilipat pansamantala sa Terminal 1 ang mga stranded na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport, na napilitan umanong matulog sa kalsada.

-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.