Higit 30 dinampot dahil sa droga, paglabag sa mga ordinansa sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2019 04:38 AM | Updated as of Jun 28 2019 08:05 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Dinampot ng mga pulis ang higit 30 katao sa simultaneous anti-criminality law enforcement operation sa Pasay City Huwebes ng gabi.

Labimpito ang nahuling lumabag sa iba't ibang ordinansa, tulad ng pag-inom sa kalsada.

Timbog naman ang 10 katao matapos makuhanan ng ilegal na droga.

Samantala, 5 ang arestado sa illegal gambling, 1 sa alarm and scandal at 1 sa pagnanakaw. — Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.