Pamimigay ng travel authority sa mga stranded na patungong Eastern Visayas, sinuspende

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 12:30 AM

MAYNILA - Ipinag-utos ng JTF COVID Shield sa chiefs of police, station commanders hanggang sa PNP director for operations ang pagpapaliban sa paglabas ng travel authority para sa mga stranded na patungong Eastern Visayas.

Sa isang pahayag, sinabi ni JTF COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, batay ito sa inanunsiyo ni Interior Secretary Eduardo Año na 2 linggong suspensiyon sa pagpapauwi ng mga stranded na pasahero sa Eastern Visayas dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon.

Ayon kay Eleazar, inabisuhan na sila ni Año ukol sa naturang desisyon upang mabigyan ng panahon ang mga LGU na ipatupad ang quarantine protocols sa mga naunang dumating na stranded na indibidwal.

“Our local chief executives said that if they continue accepting LSIs (locally stranded individuals), they will no longer have enough quarantine facilities to accommodate the arriving LSIs," aniya.

"Since our local chief executives do not want home quarantine, they decided and requested that the best way to address the problem is to suspend the travel of the LSIs to the region for 2 weeks."

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, sakop ng suspensiyon ang biyahe at pagtanggap ng LGUs sa Eastern Visayas kaya't hindi na sila tumatanggap ng mga stranded na indibiduwal simula ngayon.

"The suspension includes travel and reception by receiving LGUs. So the Eastern Visayas LGUs are no longer accepting LSIs starting today," ani Malaya. -- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.