Mga bala, pampasabog narekober sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 07:56 PM

Narekober mula sa operasyon ang mga bala at pampasabog na hinihinalang naiwan ng mga nagsitakas ng rebeldeng New People's Army. Larawan mula sa 1st Northern Samar Police Mobile Force

Mga bala, pampasabog at suplay ng pagkain na hinihinalang naiwan ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang narekober ng awtoridad sa bayan ng San Jose sa Northern Samar nitong Huwebes.

Nagsasagawa umano ng intel-driven combat operation ang mga operatiba ng First Northern Samar Police Mobile Force nang madiskubre ang mga ito sa kabundukan ng Barangay Mandugang.

Kasama sa mga nakuha ang 13 piraso ng 40-mm high explosive, 233 rounds ng .30 caliber M1 garand, 22 bala ng M16, 2 blasting cap, isang barrel ng mga bala ng caliber .45, at mga pagkain.

Hinihinalang naiwan ang mga ito ng mga rebeldeng tumatakas.

Dinala na sa Northern Samar Police Provincial Office ang mga nakuhang pampasabog at bala habang nagpapasalamat naman ang mga awtoridad sa impormasyon ng publiko para matunton ang mga bala at maiwasan din ang krimen.

 
- Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News