3 patay sa banggaan ng tricycle, truck

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2020 09:47 PM

Tatlong tao ang nasawi sa banggaan ng tricycle at truck sa bayan ng Santa, Ilocos Sur noong gabi ng Sabado.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bumibiyahe ang tricycle na minamaneho ni Jonathan Aquino sa National Highway sa Barangay Basug nang banggain ito sa likuran ng motorsiklo.

Umagaw ng linya ang tricycle at bumangga sa kasalubong na truck, ayon sa imbestigasyon.

Nasugatan ang driver ng motorsiklo, at driver at 2 sakay ng tricycle.

Nadala sa ospital pero idineklara ring dead on arrival ang 3 pang sakay ng tricycle.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng truck.

-- Ulat ni Ria Galiste, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.