13 arestado sa drug den umano ng 1 lolo sa Makati

Michael Delizo, DZMM

Posted at Jun 17 2017 01:16 PM | Updated as of Jun 18 2017 12:30 AM

Police raid an alleged drug den in Pio del Pilar, Makati, arresting 13 for alleged possession of 'shabu' and illegal gambling. Michael Delizo, DZMM.

MANILA - Huli ang 13 katao na gumagamit ng iligal na droga at nagsusugal sa loob ng isang compound na pinapatakbo umano ng isang 67-anyos na lolo sa Barangay Pio del Pilar, Makati, Sabado.

Ayon kay Insp. Jeson Vigilla, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Makati Police, laganap ang bentahan ng droga at iligal na pagsusugal sa drug den na pinapatakbo umano ng senior citizen na si Rosendo Cruz Jr.

"Sa loob ang bentahan ng droga, pwedeng magsugal at pwede ring pantaya ang shabu," ani Vigilla.

Nahuli sa akto ang mga suspek na nakumpiskahan din ng mga sachet ng shabu, drug paraphernalia at mga bala ng baril.

Itinanggi ni Cruz na siya ang nagpapatakbo ng drug den.

Kwento ng lolo, natutulog siya at hindi niya alam na may nagsusugal at bentahan na pala ng droga sa lugar niya.

Ayon kay Vigilla, ilan sa mga nahuli, na kinabibilangan ng tatlong babae, ay may mga kaso na dati tulad ng pagnanakaw, habang ang iba naman ay sumuko na noon sa Oplan Tokhang, ang kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.