Higit 3,000 beneficiaries ng SAP nagsauli ng cash aid: DSWD

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2020 05:03 PM

MAYNILA - Pinuri ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Martes ang nasa 3,723 na beneficiaries ng social amelioration program (SAP) na nagsauli at hindi na tumanggap ng tulong pinansyal mula sa naturang programa.

Ayon sa DSWD nitong Martes, aabot sa P20.3 million ang kabuuang halaga na naisauling cash aid ng mga benepisyaryo ng programang inilunsad para tulungan ang mahihirap na pamilya sa gitna ng coronavirus pandemic.

Isinauli ng mga benepisyaryo ang cash aid dahil sa duplication ng assistance mula sa iba pang government agencies.

Nasa 179 local government units din ang nagrefund ng mahigit P324.4 million emergency cash assistance sa DSWD.

Gagamitin ng ahensya ang refunded amount sa implemensyon ng second tranche ng SAP.

Nagpaalala ang DSWD sa mga magsasauli ng cash aid na humingi ng resibo o anumang katibayan na ibinalik nila ang subsidiya. -- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News