TINGNAN: Logo ng ABS-CBN desenyong birthday cake

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2020 10:00 AM

 

Isang pastry chef sa Tacloban City ang gumawa ng birthday cake na ang desenyo ay ang logo ng ABS-CBN.

Ang naturang cake ay gawa ni Mark Anthony Dago-oc Broñola para sa kaniyang kaarawan.

Ang cake aniya ay "Laban ABS-CBN" inspired.

Dagdag niya, ito ay bilang pagsuporta sa Kapamilya network para muling ma-renew ang prangkisa at makabalik sa ere.

Ang bilog na cake ay may desensyong fondant na kulay pula, berde at bughaw, at may kamao sa gitna, simbolo ng patuloy na laban ng kompanya para sa prangkisa nito.

Matatandaang isang buwan na mula nang ipatigil ang broadcast operations ng ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa nito, na ilang taon nang nakabinbin sa Kongreso.

- ulat ni Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.