'Big-time' na dagdag-singil sa langis nakaamba sa Hunyo 9

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2020 05:58 PM

MAYNILA - Simula Martes, Hunyo 9, inaasahan muli ang big-time na dagdag-presyo sa produktong petrolyo, ayon sa mga taga-industriya. 

Maglalaro sa P1.79 hanggang P1.90 ang dagdag sa kada litro ng gasolina. 

Ang diesel, maglalaro sa P1 hanggang P1.10 ang dagdag sa kada litro. 

Ang dagdag-presyo naman sa kerosene maglalaro mula P0.95 hanggang P1.00. 

Ito na ang ika-4 na sunod-sunod na linggong may dagdag-presyo sa diesel at kerosene. 

Inaasahan din na sa susunod na linggo ipatutupad ng maraming kompanya ng langis ang dagdag-presyo dulot ng mas mataas na taripa sa imported na petrolyo. 

Ayon sa Department of Energy, maglalaro ito sa P1.00 hanggang P1.50 kada litrong dagdag sa diesel, kerosene, at gasolina. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.