4 barangay sa Caloocan, posibleng isailalim din sa total lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2020 07:17 PM

MAYNILA - Apat na barangay pa sa Caloocan ang posibleng isailalim sa total lockdown dahil sa bilang ng kaso ng coronavirus sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Caloocan Mayor Oscar Malapitan nitong Sabado, mino-monitor nila ang Barangay 18, Barangay 73, Barangay 137 at Barangay 159 dahil sa dami ng kaso ng COVID-19 dito.

"Kung patuloy na dadami ito, mao-obliga kaming i-lockdown,” aniya.

Matatandaang isinailalim na sa lockdown ang Barangay 8 sa lungsod dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa lugar.

Sa huling talang inilabas ng Caloocan, 679 na ang naitalang positive sa COVID-19 sa siyudad.

Aabot sa 181 na ang nakarekober habang 39 naman ang nasawi sa lungsod bunsod ng naturang sakit. -- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.