Mga tricycle, pedicab huhulihin sa mga highway: DILG

Arianne Merez, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 11:57 AM

A tricycle driver disinfects the interior of his vehicle to comply to safety measures in Quezon City, May 27, 2020. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA- Huhulihin ng mga awtoridad ang mga motoristang naka-tricycle o pedicab na dadaan sa mga highway, ayon sa Department of the Interior and Local Government nitong Biyernes.

Nilinaw ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na bawal ang mga may sidecar sa mga national highway para na rin sa kaligtasan ng mga motorista.

"Bawal pa rin po talaga ang mga tricycle at pedicabs sa national highways at ang dahilan po dito is for safety," aniya.

"Kahit sa panahon po ng pandemya, bawal po ang ating mga tricycle at pedicabs sa mga pangunahing lansangan at national highways," dagdag niya.

Ginawa ni Malaya ang paglilinaw matapos sabihin at bawiin ni Presidential Spokesman Harry Roque na pupuwede na ang mga may sidecar sa mga highway.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.