262 OFWs na na-stranded sa ibang bansa nakarating na sa Pilipinas

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 08:10 PM | Updated as of Jun 05 2020 10:13 PM

Nasa 262 OFW repatriates ang lumapag sa Clark International Airport matapos ma-stranded sa ibang bansa ng ilang linggo. Kuha ng Mabalacat City PNP

Nasa 262 OFW repatriates ang nakarating sa Pilipinas Biyernes ng hapon matapos ma-stranded nang ilang linggo sa ibang bansa dahil sa kanilang mga expired visa.

Ayon sa Mabalacat City Police na kabilang sa mga umalalay sa mga OFWS sa Clark International Airport, kasalukuyang pinoproseso ang kanilang mga dokumento.

Ididiretso sila sa 3 na napiling hotel-isolation areas kung saan isa-swab test sila para malaman kung mayroon sa kanila na may coronavirus.

Habang hinihintay ang resulta ay mananatili muna sila sa isolation areas bago bigyan ng clearance na makauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Inaasahan din ang pag-uwi ng iba pang OFW mula Canada at United Arab Emirates sa mga darating na araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.