Bodega sa Maynila, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 04:48 AM

MAYNILA - Nasunog ang isang bodega sa Paco, Maynila Miyerkoles ng madaling-araw.

Imbakan ito ng iba't ibang gamit, kabilang na ang mga sangkap sa paggawa ng kendi.

Kuwento ng isang residente, nakita nalang nila ang malaking apoy sa ikalawang palapag ng bodega bago mag-alas 2 ng madaling-araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa isang kawani ng bodega, walang tao sa ikalawang palapag ng gusali dahil sarado ito. 

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.