Religious gatherings papayagan sa ilalim ng modified GCQ

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 02:00 PM

Puwede nang magdaos ng mga religious gathering sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine basta kalahati lang ng kapasidad ang dadalo, sabi ngayong Huwebes ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, limitado lang dapat sa 50-percent seating capacity ang dadalo sa religious gathering sa modified GCQ areas.

Bukod sa religious gatherings, papayagan na rin ang work conferences basta limitado rin ang kapasidad.

Kasunod ito ng pag-apela ng mga religious groups sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infecitous Disease na payagan na ang religious gathering.

Nagpanukala rin ang mga grupo ng mga alituntuning ipatutupad sa mga religious gathering para matiyak na masunod ang physical distancing bilang pag-iingat sa posibleng hawahan ng COVID-19.

Hindi na rin umano pinapayagang lumabas ng kanilang mga bahay sa modified GCQ areas ang mga nasa edad 20 pababa, 60 pataas, may comorbidity, at maging mga buntis.

-- Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.