Kawani ng Ormoc City Hall, patay matapos barilin sa loob ng classroom

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2019 11:13 PM

ORMOC CITY, Leyte - Patay ang isang kawani ng Ormoc City Hall matapos barilin sa loob ng silid-aralan sa siyudad Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Bienvinido Casimiro, 42 anyos, na nakatalaga sa civil security unit ng siyudad.

Ayon sa pulisya, tumutulong sa paglilinis ang biktima sa silid-aralan ng kaniyang asawa nang barilin.

Agad tumakas ang suspek na dati umanong nakaalitan ni Casimiro. Patuloy ang hot pursuit operation upang mahuli ang suspek. - Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.