Gusali sa QC nasunog; 2 pamilya apektado

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 03:26 PM

MAYNILA — Isang gusali sa Barangay Kamuning, Quezon City ang nasunog nitong Miyerkoles ng umaga.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Fire District, bandang 10:49 ng umaga nang sumiklab ang sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng gusali sa kanto ng T. Gener street at Kamuning Road. 

Nagsisilbi ang gusali bilang residential at commercial space. 

Dalawang pamilya ang naapektuhan ng sunog, ayon sa mga awtoridad. 

Wala namang nasugatan pero tinatayang aabot sa P50,000 ang halaga ng pinsala.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na umabot sa unang alarma at naapula bandang 11:30 ng umaga.

Naapektuhan naman ang daloy ng trapiko dahil isinara ang ilang bahagi ng apektadong daanan pero sa ngayon ay balik na ito sa normal. 

—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.