Gasolinahan nagliyab sa Mabalacat, Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 09:28 PM

 

Isang gasolinahan sa Mabalacat City, Pampanga ang nasunog Martes ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagre-refill ng gasolina ang isa sa mga personnel sa loading area ng naturang gasolinahan sa McArthur Highway nang biglang nagliyab ang isa sa mga compressor na naging sanhi ng sunog.

Ayon sa inisyal na ulat ng Mabalacat Fire Station, wala pa silang impormasyon kung may nasugatan o nasawi sa insidente at inaalam pa ang sanhi ng apoy.

Patuloy pa ring inaapula ang apoy sa mga oras na ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.