2 patay sa pananambang sa Roxas Blvd

ABS-CBN News

Posted at May 30 2018 04:54 AM

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki matapos silang tambangan ng 2 riding-in-tandem sa Roxas Boulevard, Maynila nitong Miyerkoles.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinagbabaril ng mga salarin ang kotse ala-1:30 ng madaling araw.

Patawid na sana ang sasakyan sa intersection ng Pedro Gil at Roxas Boulevard.

Agad ikinamatay ng lalaki na nasa passenger seat ang pamamaril.

Nakalabas pa ang drayber ng kotse at naisugod ng mga pulis sa ospital.

Ayon sa isang testigo, agad naman tumakas at kumanan sa Pedro Gil ang 4 na salarin. Naka-helmet umano ang mga ito.

Namatay din kalaunan ang drayber ng kotse na kinilalang si Chen Weishing Lee.

Blangko pa ang mga pulis sa motibo sa pananambang. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.