P40 milyong halaga ng 'shabu' nasabat sa 2 buy-bust sa Bohol; 5 tiklo

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 01:40 PM | Updated as of May 26 2020 01:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Aabot sa mahigit P40 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa limang suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Bohol.

Nagkasa ng buy-bust operation ang Bohol Police at ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Sitio Antipolo, Brgy. Dampas, Tagbilaran City kung saan kumagat ang apat na suspek sa isang operatibang nagpanggap na bibili ng shabu. 

Nakasilid ang droga sa isang chinese tea bag na tumitimbang ng 2 kilo at nagkakahalaga ng P13.7 milyon. 

Sa hiwalay na operasyon sa Talibon, Bohol inaresto ang isang hinihinalang drug pusher. 

Nasamsam sa nasabing suspek ang 4 na kilo ng shabu na tinatayang nasa P27.2 milyon ang street value.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa limang naaresto. 

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.