2 huli sa buy-bust sa Tanay, Rizal

ABS-CBN News

Posted at May 18 2019 04:17 PM

Arestado ang isang lalaki at isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Daraitan, Tanay, Rizal pasado alas-8 ng gabi Biyernes.

Kinilala ang target na si Jonas Baraga, 32, na nagbenta umano ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang operatiba. Bukod pa ito sa 3 sachet din ng shabu na nakuha sa kaniya matapos kapkapan.

Maliban sa mga droga, nakuha rin kay Baraga ang isang granada.

Saktong nandoon din ang kasamahan ni Baraga na si Karen Torrion alyas "Pangis" at hinuli rin siya.

Nakuha mula kay Pangis ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.