23 OFWs, nakauwi na sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at May 15 2020 02:09 AM

May 23 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakauwi na sa kani-kanilang tirahan sa Negros Oriental nitong Miyerkoles matapos dumaan sa 14-araw na quarantine para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa probinsiya.

Galing Metro Manila, kinuhanan ang mga OFWs ng swab samples para sa COVID-19 tests matapos ang pagdating nila sa probinsya noong huling linggo ng Abril.

Lumabas ang negative test results nila noong Miyerkoles.

Kaya, sinundo sila ng kani-kanilang mga local government units para sila makauwi na.

Wala umanong pagkukulang ang gobyerno sa pag-alaga sa kanila mula nang nakabalik sila sa probinsya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.