Lalaki patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at May 09 2020 03:23 AM | Updated as of May 09 2020 05:57 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga salarin na nakamotor sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Guihulngan police, nakaupo sa isang waiting shed sa Barangay Basak si Franie Genandoy nang binaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival. Nakatakas ang mga salarin matapos ang insidente.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng .45 caliber at isang deformed slug ng naturang kalibre ng armas.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na ang biktima ay huling nakulong noong Nobyembre 2018 sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga subalit nakapagpiyansa.

Inaalam pa sa ngayon ang motibo ng krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.