Vintage bomb natagpuan sa NAIA runway

ABS-CBN News

Posted at May 07 2020 12:18 PM

Retrato mula kay Romeo Labador, assistant general manager for security and emergency services ng Manila International Airport Authority

MAYNILA -- Isang bomba na mula pa noong World War 2 ang narekober ng mga awtoridad sa madamong bahagi ng runway ng Ninoy Aquino International Airport nitong Miyerkoles.

Ayon kay Romeo Labador, assistance general manager for security and emergency services ng paliparan, nagsasagawa ng maintenance ang backhoe operator ng isang pribadong kompanya sa bahagi ng runway 13-31 nang may matamaan itong matigas na bagay.

Nakita umano ng backhoe operator ang bomba at agad humingi ng tulong mula sa mga pulis at bomb personnel.

Hinukay ng bomb disposal personnel ang bomba at inilagay sa isang secured area.

Wala namang naantalang flight dahil sa nangyari. Wala ring byahe ang karamihan ng airlines dahil na rin sa coronavirus pandemic. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.