Heat index sa Butuan City, umabot nang 53 degrees Celsius

ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 11:26 PM | Updated as of May 06 2020 11:46 PM

Umabot sa 53 degrees Celsius ang heat index sa Butuan City nitong Miyerkoles.

Ayon sa lokal na opisina ng PAGASA, magdudulot ng panganib ang 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index. 

Maaari umano itong maging sanhi ng heat cramps at heat exhaustion, na maaaring mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang physical activity.

Samantala, umabot ng 51 degrees Celsius ang heat index sa Tanauan City, Batangas, at sa Sangley Point sa Cavite.

Nasa 46 degrees Celsius naman ang heat index sa Clark, Pampanga, Maasin City sa Leyte, Science City of Muñoz sa Nueva Ecija, at Pasay City.

--Ulat ni Charmane Awitan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.