82 bote ng alak nasabat sa lalaki sa gitna ng liquor ban sa Butuan City

ABS-CBN News

Posted at May 06 2020 04:45 PM

Photo courtesy: CIDG 13

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng 82 bote ng alak, na ibinebenta umano nito kahit may liquor ban sa Butuan City. 

Kinilala ang suspek na si Nenito Flores, na naaresto gabi ng Lunes. 

Isang concerned citizen ang nagsumbog sa pulis na may nagbebenta ng alak sa lugar kaya ikinasa ang isang entrapment operation. 

"Nakabili sila ng walong piraso... worth P250 per set. So during the time, considering that Butuan City is now under liquor ban based on the resolution coming from the City Government, so hinuli kaagad," sabi ni Police Maj. Rennel Serrano, ang Public Information Officer ng Police Regional Office 13.

Dagdag pa ni Serrano, patago umanong ibinebenta ng suspek ang alak.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 9 ng Republic Act 11332, at Article 151 o Resistance and Disobedience to a Person in Authority ang suspek.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.